Mahalaga

Mga inspeksyon ng sistema

Paghahanap at pag-aayos sa mga potensyal na panganib sa sistema ng kuryente

Ireport ang mga alalahanin sa kaligtasan sa iyong lugar upang makatulong na manatiling ligtas ang iyong komunidad.

 

Halos isang ikaapat ng aming mga linya ng kuryente ay nasa mga lugar ng High Fire-Threat District. Upang makatulong na manatili kang ligtas, karaniwan naming ini-inspeksyon ang aming kagamitan sa mga lugar na ito upang ayusin ang potensyal na mga panganib.

 

Ginagamit namin ang mga inspeksyon na ito upang makatulong sa amin na pamamahalaan ang pagkukumpuni ng aming kagamitan. Agad naming kinukumpuni ang mga isyu na may pinakamataas na prayoridad. Ang mga pagkumpuni para sa lahat ng iba pang mga kondisyon ay kinukumpleto bilang karaniwang trabaho. Ang aming layunin ay tiyakinng palaging ligtas at maaasahan ang aming kagamitan.

 

Ano ang aasahan sa panahon ng mga inspeksyon ng sistema

 

Sa panahon ng mga inspeksyon ng sistema, maaaring makikita mo ang mga tauhan ng PG&E o ng mga kontratista sa iyong kapitbahayan. 

 

Maaaring kabilang sa trabahong ito ang:

  • Pag-inspeksyon ng mga poste ng kuryente, mga tore at kagamitan mula sa lupa pataas.
  • Pag-akyat sa mga poste o mgatore upang inspeksyunin nang malapitan ang kagamitan at mga linya ng kuryente.
  • Pag-inspeksyon sa pamamagitan ng drone o mga helikopter, kapag kailangan.

 

Kumukuha kami ng mga high-resolution na ritrato. Pagkatapos, rerepasuhin namin ang mga ito upang hanapin at ayusin ang mga potensyal na panganib.

 

 

Kapag isinasagawa namin ang mga inspeksyon ng sistema

 

Upang makatulong sa mga kostumer na manatiling ligtas, iniinspeksyon namin ang lahat ng kagamitan na nasa ibabaw.

  • Sinusuri nang bawat taon ang pamamahagi na kagamitan sa mga lugar na matindi ang banta sa sunog.
  • Sinusuri nang bawat tatlong taon ang pamamahagi na kagamitan sa mga lugar na tumaas ang banta sa sunog.
  • Sinusuri nang bawat limang taon ang mga pasilidad ng transmisyon at substation.

 

Ang oras ng inspeksyon ay maaaring nakadepende sa lagay ng panahon, pag-akses at iba pang mga salik.

Alamin ang higit pa tungkol sa aming trabaho para sa kaligtasan

Higit pang impormasyon tungkol sa mga pagkawala ng kuryente at kaligtasan

Kaligtasan

Sa PG&E, wala nang mas mahalaga pa kaysa sa kaligtasan.

Paghahanda at suporta sa pagkawala ng kuryente

Manatiling handa para sa mga pagkawala ng kuryente at humiling ng suporta.

Community Wildfire Safety Program (CWSP)

Alamin kung paano namin ginagawang mas ligtas at mas maaasahan ang aming sistema.