Mahalagang Alerto

Ang Mga Alternatibong Rate para sa Kuryente sa California (California Alternative Rates for Energy, CARE)

Pangmatagalang buwanang diskuwento sa iyong mga bill ng kuryente

Mag-aplay para sa buwanang diskuwento sa pamamagitan ng CARE.

Ang programa na Mga Alternatibong Rate para sa Kuryente sa California (California Alternate Rates for Energy Program, CARE program) ay isang buwanang diskwentong 20% o higit pa sa gas at kuryente. Nagiging kwalipikado ang mga kalahok sa pamamagitan ng pagtugon sa mga alituntunin sa kita o pagpapatala sa ilang partikular na programa sa pampublikong tulong.

 

important notice icon Tandaan: Ang CARE at FERA ay may iisang aplikasyon. Kung hindi ka kwalipikado para sa CARE, titingnan namin kung kwalipikado ka para sa FERA. Alamin ang higit pa tungkol sa FERA. Dagdag pa, may magagamit na ibang mga mapagkukunan ng pinansiyal na tulong at suporta.

Pagiging Kwalipikado

Pagkumparahin ang mga alituntunin sa kita ng CARE at FERA

 

*Ang kita ay dapat bago ikaltas ang mga buwis at batay sa kasalukuyang mga pinagmumulan ng kita. Balido hanggang Mayo 31, 2025.

Pagpapatala

Pagpapatunay pagkatapos ng pagpapatala

Katibayan ng kita

Hindi kailangan ang katibayan ng kita kapag mag-aaplay ka para sa CARE. Subalit, matapos mag-enroll:

  • Maaaring piliin kang magbigay ng katibayan na may tao sa sambahayan mo na lumalahok sa pangkuwalipikang programang pantulong sa publiko, o pagpapatotoo sa kita anumang oras.
  • Kung hindi kami makarinig mula sa iyo sa petsang tinukoy sa email o sulat, tatanggalin ang iyong diskwento.

  1. I-download ang verification form:
  2. Upang magsumite online, mag-sign in sa iyong account

 

Ipadala sa koreo o i-fax ang mga nakumpletong dokumento sa:

PG&E CARE/FERA program
P.O. Box 29647
Oakland, CA 94604-9647

Fax: 1-877-302-7563

Sino ang pinipili para sa pagpapatunay pagkatapos ng pagpapatala para sa mataas ang konsumo? 

  • Ang mga kostumer na ang konsumo ng kuryente ay mas mataas sa 400% ng kanilang Baseline Allowance nang tatlong beses sa panahon ng 12-buwan.
    • Iniaatas ng California Public Utilities Commission na makilahok ka sa proseso ng Pagpapatunay Pagkatapos ng Pagpapatala sa Programa sa Mataas ang Konsumo.

 

  • Dapat kang magsumite ng dokumentasyon sa loob ng 45 araw ng aming kahilingan upang patunayan ang iyong kita. Ang hindi paggawa nito ay maaaring magresulta sa pagkawala ng iyong diskuwento.

 

Sundin ang mga hakbang na ito:
 

  1. I-download ang form ng pagpapatunay pagkatapos ng pagpapatala sa CARE para sa mataas na konsumo: Form ng Mataas na Konsumo sa CARE (PDF)
    • Ang mga form sa mga ibang wika bukod sa Ingles ay makikita sa mga drawer sa ibaba.
  2. Upang isumite ito online, mag-sign in sa iyong accounto
     

    Ipadala sa koreo o i-fax ang mga nakumpletong dokumento sa:

    PGE CARE/FERA program
    P.O. Box 29647
    Oakland, CA 94604-9647

    Fax: 1-877-302-7563

     

  3. Ang mga kostumer sa CARE ay dapat magpatala sa programang Tulong sa Pagtitipid ng Kuryente (Energy Savings Assistance, ESA)
    • Ang programang ESA ay nagbibigay ng mga pagpapahusay ng tahanan na matipid sa kuryente nang walang bayad. 
    • Iniaatas ng California Public Utilities Commission na ang mga kostumer sa CARE ay makilahok sa programang ESA. 

Magpatala sa programang ESA

Mga madalas itanong 

 

Pagpapatunay pagkatapos ng pagpapatala

Bagama't walang kinakailangang patunay ng kita upang mag-sign up para sa CARE Program, maaari kang mapili anumang oras upang magbigay ng pagpapatotoo ng:

  • Pakikilahok sa isang programang pantulong sa publiko o
  • Kita ng sambahayan mo

Ang patunay na ito ay kinakailangan upang patuloy na makatanggap ng diskwento.

Sundin ang mga tagubilin sa sulat na natanggap mo. Isumite ang iyong nakumpletong dokumentasyon gamit ang isa sa mga pamamaraang ito: 

  • Mag-log in sa iyong account para i-upload ang mga dokumento
  • Gamitin ang ibinigay na sobreng bayad na ang selyo at ipadala sa: 

PG&E CARE/FERA Program
P.O. Box 29647
Oakland, CA 94604-9647

  • I-fax sa 1-877-302-7563

Tingnan ang Mga Kinakailangang Tagubilin sa Dokumento sa ikalawang pahina ng CARE Post-Enrollment Verification Request Form (PDF) para sa listahan ng mga katanggap-tanggap na paraan ng pagpapatotoo ng kita.

Pakisuri ang pangalawang pahina ng CARE Post-Enrollment Verification Request Form (PDF) para sa mga halimbawa ng mga katanggap-tanggap na dokumento. Lahat ng miyembro ng sambahayan na nakakatanggap ng kita ay kailangang magsumite ng mga dokumento ng katibayan ng kita.

Ang lahat ng miyembro ng sambahayan na kumikita ay dapat magbigay ng mga dokumento ng kita.

Tingnan ang ikalawang pahina ng CARE Post-Enrollment Verification Request Form (PDF) para sa listahan ng mga katanggap-tanggap na paraan ng pagpapatotoo ng kita.

Ang iyong diskwento sa CARE ay mananatiling aktibo 45 araw mula sa petsa ng sulat na iyong natanggap na humihiling ng pagpapatotoo ng kita mo. Kung matukoy namin na hindi ka karapat-dapat, masususpinde ang iyong diskwento. Ang iyong diskwento ay maaari ding masuspinde kung ikaw ay:

  • Magsumite ng hindi kumpletong dokumentasyon sa pagpapatotoo,
  • Humiling na kanselahin o i-unenroll mula sa CARE Program, o
  • Natanggap namin ang iyong mga dokumento pagkatapos ng takdang petsa.

Walang extension o pagbubukod sa 45-araw na oras ng pagtugon. Ang mga nakumpletong kinakailangang dokumento ay dapat ibalik sa lalong madaling panahon.

Bilang paggalang, tatawagan ka namin 15 araw pagkatapos ipadala ang kahilingan sa pagpapatotoo. Ang tawag na ito ay isang paalala na kailangan mong magbigay ng mga dokumento sa pagpapatunay ng kita upang manatiling nakatala sa CARE Program. Makakatulong ang tawag na ito kung sakaling hindi mo natanggap ang sulat o naiwaglit ito.

 

Maaari mong i-download ang CARE Post-Enrollment Verification Request Form (PDF). Tingnan ang pangalawang pahina para sa isang listahan ng mga katanggap-tanggap na paraan ng pagpapatotoo ng kita.

Basahin muli ang sulat para sa partikular na uri ng dokumento na kinakailangan.

Isumite ang iyong nakumpletong dokumentasyon gamit ang isa sa mga pamamaraang ito:

  • Mag-log in sa iyong account para i-upload ang mga dokumento
  • Gamitin ang ibinigay na sobreng bayad na ang selyo at ipadala sa: 

PG&E CARE/FERA Program
P.O. Box 29647
Oakland, CA 94604-9647

  • I-fax sa 1-877-302-7563

Kung mayroon kang mga tanong, mangyaring mag-email sa amin sa CAREandFERA@pge.com o tumawag sa 1-866-743-5832.

Kung hindi natanggap ang iyong mga dokumento sa petsang tinukoy sa kahilingan sa pagpapatotoo, tatanggalin ang iyong diskuwento sa CARE kasunod ng iyong susunod na yugto ng pagsingil. Bilang resulta, maaaring tumaas ang iyong mga bayarin sa kuryente.

Maaaring tanggalin ang mga kostumer sa CARE/FERA Program bilang bunga ng sumusunod na mga dahilan:

  • Ang kita ng inyong sambahayan ay lumagpas sa mga alituntunin sa kita.
  • Pinabibigay ka ng katibayan ng kita at alinman sa hindi ka tumugon sa takdang oras o tumugon ka nang may hindi kumpletong dokumentasyon.
  • Ang inyong buwanang paggamit ng enerhiya ay lumampas sa 600 porsiyento ng inyong buwanang baseline allowance.
  • Hindi ka lumahok sa Energy Savings Assistance Program — hinihingi sa pagpapatuloy sa CARE program kung ikaw ay isang kalahok na High Usage.

Oo. Upang muling mag-enroll sa CARE Program, isumite ang iyong kumpletong dokumentasyon gamit ang isa sa mga pamamaraang ito:

  • Mag-log in sa iyong account para i-upload ang mga dokumento
  • Gamitin ang ibinigay na sobreng bayad na ang selyo at ipadala sa: 

PG&E CARE/FERA Program
P.O. Box 29647
Oakland, CA 94604-9647

  • I-fax sa 1-877-302-7563
Mga kostumer na mataas ang paggamit

Lahat ng residensiyal na kostumer ay binibigyan ng Tier 1 allowance — isang porsiyento na inaprubahan ng California Public Utilities Commission ng average na paggamit ng customer sa mga buwan ng tag-init at taglamig. Ang iyong Tier 1 allowance ay nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan sa abot-kayang presyo at hinihikayat ang konserbasyon. Ang iyong allowance ay itinalaga batay sa klima sa lugar kung saan ka nakatira (baseline territory), ang panahon, at ang iyong pinagmumulan ng init. Alamin ang higit pa tungkol sa iyong baseline allowance.

Ang Energy Savings Assistance (ESA) Program ay nagbibigay ng mga improvement sa bahay nang walang bayad sa mga karapat-dapat na umuupa at may-ari upang makatulong na gawing mas matipid sa enerhiya, ligtas at komportable ang kanilang mga tahanan.

Kontakin ang Energy Savings Assistance (ESA) Program sa 1-800-933-9555 mula 8:00 a.m. - 5:30 p.m. Pacific Daylight Time, Lunes hanggang Biyernes, upang iiskedyul ang iyong pagtatasa sa bahay o mag-enroll online. Mag-apply ngayon para sa Programang Tulong sa Pagtitipid ng Kuryente (Energy Savings Assistance, ESA).

Upang patuloy na makatanggap ng diskwento sa iyong buwanang singil sa kuryente, hinihiling ng California Public Utilities Commission na ang lahat ng mga kostumer ng CARE High Usage ay lumahok sa Energy Savings Assistance (ESA) Program. Tinutulungan ng programa ang mga kalahok na manatili sa ibaba ng 400 porsiyento ng kanilang baseline allowance. Mag-apply ngayon para sa Energy Savings Assistance (ESA) Program.

Oo. Upang muling iiskedyul ang iyong appointment sa pagtatasa ng tahanan, makipag-ugnayan sa Energy Savings Assistance (ESA) Program sa 1-800-933-9555

May mga tanong?

Mag-email sa CAREandFERA@pge.com.

Mga form at gabay

Mga mapagkukunan para sa CARE

Mag-scroll pababa para hanapin ang mga sumusunod na dokumentong PDF:

  • Mga naka-print na aplikasyon sa pagpapatala sa CARE
  • Mga naka-print na aplikasyon para sa pagpapatala sa CARE ng mga sub-metered tenant
  • Mga iba pang naka-print na aplikasyon sa CARE
  • Mga form ng kahilingan para sa pagpapatunay pagkatapos ng pagpapatala
  • Mga form sa pagpapatunay pagkatapos ng pagpapatala para sa mataas na konsumo
  • Gabay sa kinakailangang dokumento ng kita
  • Unawain ang iyong bill
  • Baseline allowance
  • Mga payo sa pagtitipid sa pera

Karamihan ng mga form ay makukuha sa:

  • Ingles
  • Ingles, na nakasulat sa malalaking letra
  • Espanyol
  • 中文
  • Việt

Mga madalas itanong

FAQ ng CARE program

Mayroon pa ring mga tanong? Tumawag sa 1-866-743-5832 o mag-email sa CAREandFERA@pge.com.

Nalalapat ang diskuwento nang dalawang taon. Kung ikaw ay nasa fixed income, nalalapat ang diskuwento nang apat na taon.

  • Mga tatlong buwan bago magpaso ang diskuwento, nagpapadala ang PG&E ng sulat at aplikasyon. Kung kwalipikado ka pa rin sa ilalim ng mga kasalukuyang alituntunin ng programa sa panahong iyon, puwede kang mag-aplay muli.

Hindi kailangan ng katibayan ng kita sa panahon ng proseso ng aplikasyon. Gayunpaman, maaari ka naming mapili nang random para magbigay ng katibayan ng kita sa ibang petsa.

Makikita ang diskuwento sa susunod na bill na matatanggap mo.

Mga sambahayan ng iisang pamilya:

Ang mga salitang: “CARE Discount” ay makikita sa unang pahina ng iyong bill, sa ilalim ng pamagat na "Your Enrolled Programs." I-access ang isang halimbawa ng bill (PDF).

 

Mga sub-metered tenant:

  1. Nagpapadala kami ng mga sulat sa mga tenant at landlord bilang tanda ng pagtanggap sa kanila sa CARE program.
  2. Pagkatapos, ang landlord na ang may tungkuling ipasa ang diskuwento ng CARE sa tenant.
    • Dapat makita ang diskuwento sa mga energy statement na natatanggap ng mga tenant mula sa kanilang mga landlord.

 

Tandaan: Dapat makita ang diskuwento sa mga energy statement na natatanggap ng mga tenant mula sa kanilang mga landlord.

Hindi. Bawat pamilya ay dapat may hiwalay na metro para makatanggap ng diskuwento sa CARE.

Hinihikayat ka namin na mag-aplay muli sa tuwing magbabago ang sitwasyon ng iyong kita. Kailangan ang katibayan ng kita kung mag-aaplay kang muli sa loob ng 24 na buwan matapos mapagkaitan ng mga benepisyo sa CARE.

 

Tandaan: Nagbabago ang mga alituntunin sa kita sa bawat taon sa buwan ng Hunyo. 

Hindi. Kailangan mong magpatala sa CARE program upang makatanggap ng diskuwento. Hindi nalalapat ang mga retroactive na diskuwento kung hindi ka nakatala sa CARE program.

Ang mga programang CARE at FERA ay nagbibigay ng mga buwanang diskuwento para sa mga sambahayan na kwalipikado ang kita. Gayunpaman, bawat programa ay nag-aalok ng ibang uri ng diskuwento sa kuryente at may magkaibang mga alituntunin sa pagiging kwalipikado:

 

Ang CARE program ay nag-aalok ng minimum na 20% diskuwento sa mga presyo ng gas at kuryente. Upang maging kwalipikado para sa diskuwento sa CARE, dapat may isang tao sa inyong sambahayan na:

  • Nakikilahok na ngayon sa ilang programa ng pampublikong tulong, o
  • Nakakatugon sa mga alituntunin para sa kabuuang taunang kita ng sambahayan

 

Ang FERA program ay nag-aalok ng 18% diskuwento sa mga presyo ng kuryente. Hindi nag-aalok ang FERA ng diskuwento sa mga presyo ng gas. Upang maging kwalipikado para sa diskuwento sa FERA, dapat ang inyong sambahayan ay:

  • May tatlo o mas marami pang tao
  • Nakakatugon sa mga alituntunin para sa kabuuang taunang kita ng sambahayan


Tandaan: Ang CARE at FERA ay may iisang aplikasyon. Kung hindi ka kwalipikado para sa CARE, titingnan namin kung kwalipikado ka para sa FERA.

Oo. Ang CARE, FERA at Medical Baseline ay mga programa ng estado na nagbibigay ng nadiskuwentuhang presyo ng kuryente sa mga kwalipikadong sambahayan na mababa ang kita.

  • Ang mga programang ito ay ipinagkakaloob sa lahat ng kostumer ng PG&E, kabilang ang mga pumipili na makatanggap ng serbisyo mula sa isang CCA.
  • Kung ikaw ay nakatala sa CARE/FERA/Medical Baseline at magsimula ng serbisyo sa isang CCA, ang iyong account ay mananatiling nakatala sa mga programang ito. Patuloy mong matatanggap ang iyong buong diskuwento sa ilalim ng iyong bagong provider.
  • Ang mga bagong pagpapatala at muling pagpapatala sa CARE/FERA/Medical Baseline ay dapat gawin sa pamamagitan ng PG&E.

Ang pagiging kwalipikado ng inyong kita ay batay sa kasalukuyang mga kinikita ng lahat ng tao na nakatira sa inyong sambahayan.

  1. Pagsamahin ang kabuuang taunang kita ng lahat ng tao sa inyong sambahayan.
  2. Tingnan ang saklaw ng kita sa talahanayan ng mga alituntunin sa kita para alamin kung kwalipikado ka para sa CARE.

 

Gamitin lang ang kasalukuyan at inaasahang kita para sa susunod na 12 buwan.

  • Hindi dapat kasama sa kalkulasyon ng inyong taunang kita ang kita mula sa dating trabaho.
    • Kung ikaw at/o mga iba pang miyembro ng inyong sambahayan ay nakaranas ng pagkawala ng trabaho o bumabang sahod, maaaring kwalipikado ka na ngayon.

 

Mga bayad para sa UI o PUA

Ikaw ba ay tumatanggap ng mga benepisyo sa Unemployment Insurance (UI) o mga bayad para sa Pandemic Unemployment Assistance (PUA) sa ilalim ng Federal CARES act sa panahon ng pag-aaplay?

  • Gamitin ang iyong EDD award letter para kalkulahin ang kita batay sa kung ilang linggo kang nakatakdang tumanggap ng bayad.
  • Sumangguni sa "Maximum na Halaga ng Benepisyo (Maximum Benefit Amount)". Sa panahon ng pagpapatala, dapat ito ang maximum na halaga na nakatakdang matanggap mo.

Mga Pakikipagtulungan ng CARE sa Komunidad

Ang PG&E ay nakikipagtulungan sa maraming grupo para tulungan ang mga panresidensyang kostumer sa pamamagitan ng CARE Program.

 

Listahan ng outreach contractors:

Para sa listahan ng aming mga kasalukuyang CARE Community Outreach Contractor (mga COC):

I-download ang listahan ng CARE Community Outreach Contractor (PDF)

 

Magiging isang CARE Community Outreach Contractor

  1. I-download ang mga kinakailangang dokumento:
  2. I-print, sagutan at ipadala ang intake form.

  3. I-email ang iyong nakumpletong form sa PG&E: CAREandFERA@pge.com.

 

Tumawag sa 1-866-743-2273 o mag-email sa CAREandFERA@pge.com.

Tulong sa Pagtitipid ng Kuryente

  • Ikaw ba ay nakatala sa CARE?
  • Mayroon ka bang pag-aari o inuupahang bahay, apartment o mobile home na limang taon na o mas matagal pa?

Maaaring kwalipikado ka para sa programang Tulong sa Pagtitipid ng Kuryente (Energy Savings Assistance, ESA).

Higit pang mga mapagkukunan at suporta

Mga karagdagang diskuwento

Maghanap ng impormasyon tungkol sa mga diskuwento sa mga serbisyo sa telepono at intenet.

Gawin ang Pagsusuri ng Kuryente sa Tahanan (Home Energy Checkup)

  • Gawin ang 5-minuto na Pagsusuri ng Kuryente sa Tahanan (Home Energy Checkup).
  • Tukuyin ang mga pinagmumulan ng nasasayang na kuryente sa iyong tahanan.
  • Kumuha ng pinasadyang savings plan para mapababa ang mga buwanang bill.

Budget Billing

Ang Budget Billing ay libreng tool na nagkakalkula sa average ng iyong taunang gastos sa kuryente para tulungan kang pamahalaan ang iyong mga bill.

  • I-level out ang iyong mga buwanang pagbabayad.
  • I-offset ang mga bill sa panahon ng mataas na pagkonsumo.