Mahalaga

Malapit na ang bago mong pge.com account! Nagdaragdag kami ng mas madaling pag-reset ng password, pinahusay na seguridad at marami pa. Tiyaking nasa amin ang iyong kasalukuyang numero ng telepono at email address upang hindi ka mai-lock. Huwag mag-lock out!

Hourly Flex Pricing

Makatipid ng pera at suportahan ang mas malinis na energy

Pangkalahatang-ideya

Ang Hourly Flex Pricing ay isang pilot na nag-o-offer ng paraan para mapababa ang mga gastos sa energy habang pino-promote ang mas malinis na energy at mas maaasahang grid.

 

Sa Hourly Flex Pricing, ang mga presyo ng kuryente ay pareho o mas mababa kaysa sa mga maihahambing na rate plan para sa karamihan ng taon. Subalit, sa mga ilang panahon, ang mga presyo ay malamang na mas mataas dahil sa demand sa grid. Nagbabago ang mga presyo kada oras at itinatakda sa nakaraang araw, kaya makakapagplano ka nang maaga:

  • Sa maagang pagsusuri sa mga presyo, makakatipid ka ng pera sa pamamagitan ng paglipat ng paggamit ng energy sa mga oras kung kailan ito mas marami at mas mura.
  • Maaaring i-streamline ng automation technology ang mga operasyon niyo para matulungan kayong mas makatipid pa.

 

Walang peligro ang Hourly Flex Pricing. Ang pagsingil ay batay sa kasalukuyan mong rate plan at makakatanggap ka ng kredito sa kaibahan kung nagbayad ka nang mas kaunti sa Hourly Flex Pricing. 

Image of an office, an agricultural farm, and a thermostat

Mga detalye ng pilot

  • Tumatakbo ang pilot na ito mula Nobyembre 1, 2024, hanggang sa Disyembre 31, 2027, at magagamit ng mga kuwalipikadong pang-agrikultura, pangnegosyo at pangresidensiyal na mga customer.
  • Nagbabago ang mga presyo ng kuryente kada oras. Fino-forecast ito pitong araw bago pa man at itinatakda isang araw bago pa man.*
  • Subukan ang walang peligrong Hourly Flex Pricing. Ang pagsingil ay batay sa kasalukuyan mong rate plan. Makakatanggap ka ng credit pagkatapos ng bawat 12 buwan kung mas mababa ang babayaran mo sa Hourly Flex Pricing kumpara sa iyong kasalukuyang rate plan.
  • Hinihikayat namin ang mga customer na manatili sa tagal ng pilot. Makakatulong ito sa amin na masuri ang mga benepisyo para sa mga customer at pagiging maaasahan ng grid. Subalit, maaari mong tapusin ang partisipasyon mo kung hindi ito gagana para sa iyo.

* Ang mga customer ng agrikultura ay may pagkakataon na i-lock nang maaga ang mga presyo.

Pagiging nararapat at pagpapatala

Mga presyo kada oras

Tingnan ang mga kada-oras na presyo para ngayon at sa paparating na linggo, pati na rin ang mga presyong pangkasaysayan. Ang mga panhuling presyo ay itinatakda isang araw bago pa man. Ina-update ang mga presyo ng 4 p.m. araw-araw. Kapag mga Flex Alert Day, ina-update muli ang mga presyo ng 6 p.m.

Mga Tagapaglaan ng Serbisyong Automation

Maaaring mag-apply ang mga Interesado na Automation Service Provider para lumahok sa Hourly Flex Pricing. Kontakin kami sa HourlyFlexPricingSupport@pge.com para sa karagdagang impormasyon.


Mga Automation Service Provider na naglilingkod sa mga pang-agrikulturang customer:

Ang mga Automation Service Provider ay maaaring lumahok sa pilot at tumulong sa mga customer sa kanilang pamamahala sa energy. Makakatulong ang mga Automation Service Provider sa mga customer na mag-apply para sa minsanang incentive para ibalik ang mga gastos para sa teknolohiyang automation na kailangan para pamahalaan ang paggamit ng energy sa panahon ng pilot. Ang antas ng reimbursement ay $160/kW na nakokontrol na load ng customer (humigit-kumulang $120/HP para sa mga pump), na nilimitahan sa 100% ng kanilang mga gastos. Ang Automation Service Provider ay hindi direktang karapat-dapat para sa mga insentibong pinansyal.


Mga Automation Service Provider na naglilingkod sa mga pang-negosyo at residensiyal na customer:  

 

Mga update para sa mga ASP na interesadong lumahok sa Hourly Flex Pricing:

  • Tinapos na ng PG&E ang Kasunduan para sa Automation Service Providers (ASPs) na interesadong kumita ng mga insentibo para sa kanilang pakikilahok sa HFP Pilot para sa mga customer ng negosyo at tirahan. Mangyaring mag-email sa HourlyFlexPricingSupport@pge.com upang humiling ng isang kopya ng kasunduan.
  • Ang teknikal na pagtutukoy para sa mga API ng PG&E upang makuha ang mga dynamic na presyo ay nai-publish dito. Ang mga kaso ng paggamit, mga kinakailangan sa pagsasama, at magagamit na data para sa bawat API ay dapat suriin nang mabuti upang gabayan ang mga desisyon sa pagpapatupad.
  • Ang PG&E ay maglalathala din ng isang komprehensibong HFP Pilot Handbook para sa mga ASP na may kasamang mga detalye ng pagpapatakbo, mga tagubilin at mga mapagkukunan upang suportahan ang pakikilahok sa piloto.
  • Pakidirekta ang anumang mga tanong sa HourlyFlexPricingSupport@pge.com.

Mga madalas na tinatanong

Kontakin kami

Mayroon kang mga tanong?