Mahalagang Alerto

Lagay ng panahon at pagtuklas ng sunog

Paano namin ginagamit ang teknolohiya upang subaybayan ang lagay ng panahon 24/7 upang makatulong na mapigilan ang mga wildfire

Gamitin ang mapa ng lagay ng panahon

 

Masusing sinusubaybayan ng aming meteorology team ang lagay ng panahon at ibinabahagi namin sa publiko ang aming data ng lagay ng panahon at camera.

 

Maa-access ang aming live at nakaraang istasyon para sa lagay ng panahon gamit ang mga sumusunod na pampublikong tool

Synoptic Weather Viewer

National Weather Service Weather at Hazards Data Viewer

 

Naglalaman ang mga interactive na mapa na ito ng lagay ng panahon ng impormasyon tungkol sa:

 

  • Halumigmig
  • Ulan
  • Temperatura
  • Mga bilis/biglaang pagbilis ng hangin*
  • Mga Red Flag Warning

 

Paano gamitin ang mapa ng lagay ng panahon

 

Maghanap ayon sa lokasyon

 

Pwede mong i-scroll ang mga mapang ito papunta sa mga partikular na lugar para subaybayan ang live na data ng lagay ng panahon. Pwede kang pumili ng anumang istasyon para tingnan ang live o dating impormasyon tungkol dito. Makikita sa menu o mga setting sa loob ng bawat mapa ang mas marami pang impormasyon.

 

*Ang isang biglaang pagbilis ng hangin ay ang mabilis na pagbabago-bago ng bilis ng hangin na may mga pagkakaiba-iba na 10 knot o higit pa. Ang mga biglaang pagbilis ng hangin ay karaniwang ina-avarage sa loob ng tatlo hanggang limang segundo. Ang mga bilis ng hangin ay ina-average sa loob ng isa hanggang dalawang minuto.

Nakikipagtulungan kami sa University of Wisconsin’s Space Science and Engineering Center at Alert California para maibahagi sa publiko ang data ng aming camera at pagtuklas ng sunog. Ang mga tool na ito ay tumutulong sa mga komunidad at unang tumugon na subaybayan ang mga bago at kasalukuyang sunog.

 

Gamitina ang mapa ng Alert California para tingnan ang live na data ng camera at data ng pagtuklas ng sunog para subaybayan ang mga sunod sa inyong lugar.

 

Kabilang sa tool ang impormasyon tulad ng:

  • Live na data ng camera mula sa magihit 600 PG&E-sponsored na camera
  • Mga pagtuklas ng sunog ng satellite mula sa maraming satellite
  • Mga perimeter ng kamakailang sunog
  • Mga administrative unit

Sa mapa, gamitin ang layer tool sa kanang bahagi sa itaas para i-on o i-off ang mga layer.

Mga mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa sunog

California Department of Forestry & Fire Protection

Sistema ng Impormasyon sa Insidente

National Fire Situational Awareness

Upang matulungan ka na magplano para sa posibleng pagkawala ng kuryente, nagbibigay kami ng 7-araw na paunang pagtingin sa Public Safety Power Shutoff (PSPS).

 

Ang tool na ito ay ina-update nang araw-araw at nagbibigay ng pinakahuling PSPS na pagtataya sa iyong lugar.

Higit pang impormasyon tungkol sa mga pagkawala ng kuryente at kaligtasan

Kaligtasan

Sa PG&E, wala nang mas mahalaga pa kaysa sa kaligtasan.

Paghahanda at suporta sa pagkawala ng kuryente

Manatiling handa para sa mga pagkawala ng kuryente at humiling ng suporta.

Community Wildfire Safety Program (CWSP)

Alamin kung paano namin ginagawang mas ligtas at mas maaasahan ang aming sistema.