Mahalagang Alerto

Wildfire preparedness & support

Gumawa ng mga hakbang upang manatiling ligtas ang iyong pamilya o negosyo mula sa mga wildfire

Lagay ng panahon at pagtuklas ng sunog

Paano namin ginagamit ang teknolohiya upang subaybayan ang lagay ng panahon 24/7 upang makatulong sa pagpigil sa mga wildfire.

Mga webinar sa wildfire at mga kaganapan sa komunidad

Ang mga lider ay nagbabahagi ng impormasyon sa aming Community Wildfire Safety Program at mga lokal na proyekto.

Bumalik sa dating kalagayan mula sa wildfire

Alamin kung paano namin tinutulungan ang aming mga kustomer na bumalik sa dating kalagayan mula sa wildfire.

Gumawa ng mga hakbang upang manatiling ligtas ang iyong pamilya o negosyo mula sa mga wildfire

Siguradohing ikaw ay makakatanggap ng abiso tungkol sa pagkawala ng kuryente.

I-update ang iyong impormasyon sa pagkontak

Mag-istak ng mga panustos na tatagal nang isang linggo. Ilagay ang mga bagay sa mga lalagyan na hindi nababasa. Siguradohing ang mga panustos ay madaling maabot. I-refresh ang iyong kit isang beses sa isang taon. Narito ang ilang mga mungkahi sa kung ano ang dapat isama sa iyong kit. Dahil natatangi ang bawat sambahayan, maaaring kailanganin mong magplano nang naaayon para sa iyong mga pangangailangan. Alalahanin ang mga alagang hayop, ang mga matatanda o nangangailangan ng mga gamot.

 

  • Naiinom na tubig
  • Hindi nabubulok na pagkain
  • Mga tool at mga kagamitan
  • Pagkain para sa sanggol at alagang hayop
  • Mga flashlight
  • Mga ekstrang baterya
  • Radyo
  • Cell phone
  • First-aid kit
  • Mga gamot
  • Mga kumot at damit
  • Mga gamit sa banyo
  • Pera
  • Mga importanteng dokumento
  • Mga aktibidad para sa mga bata

Alamin kung paano maghanda para sa mga emergency.

Bisitahin ang Safety Action Center

Maari kang mag-sign up upang makatanggap ng mga alerto sa maraming wika sa pamamagitan ng tawag o text para sa anumang adres.

Mag-sign up para sa mga alerto sa adres

Tingnan ang aming mapa para sa mga detalye ng kasalukuyang pagkawala ng kuryente. Ang mapa ay nire-refresh bawat 15 minuto.

Tingnan o iulat ang mga pagkawala ng kuryente

Ang aming Medical Baseline Program ay nag-aalok ng tulong para sa mga kostumer na nangangailangan ng kuryente upng matugunan ang kanilang mga medikal na pangangailangan.

Mag-aplay para sa Medical Baseline Program

Mailalagay ba ang iyong kalusugan o kaligtasan sa panganib kung nadiskonekta ang iyong serbisyo sa kuryente o gas?

Magrehistro para sa Vulnerable Customer Status

Ginagawa ng PG&E na mas ligtas at mas malakas ang sistema ng kuryente para sa aming mga kostumer.

Alamin ang tungkol sa Community Wildfire Safety Program

Maaaring kailanganin naming patayin ang kuryente sa panahon ng grabeng lagay ng panahon. Ito’y tinatawag na Public Safety Power Shutoff.

Alamin kung paano maghanda para sa Public Safety Power Shutoff

Awtomatikong pinapatay ng EPSS ang kuryente kapag ang isang peligro, tulad ng isang sanga ng punong-kahoy, ay tumatama sa linya ng kuryente.

Alamin ang tungkol sa Enhanced Powerline Safety Settings (EPSS)

Mga checklist sa paghahanda

Paghahanda ng pambahayan sa pagkawala ng kuryente

Mga hakbang na dapat gawin upang mapanatiling ligtas ka at ang iyong komunidad.

Filename
outage-preparedness-guide-residential.pdf
Size
6 MB
Format
application/pdf
i-download

checklist ng negosyo sa paghahanda sa pagkawala ng kuryente

Ang pagiging handa para sa mga pagkawala ng kuryente ay makakatulong na panatilihing ligtas ka at ang iyong mga empleyado.

Filename
Emergency-Preparedness-Checklist-Large-Business.pdf
Size
547 KB
Format
application/pdf
i-download

 

 

 

Pag-uwi sa bahay pagkatapos ng isang wildfire

 

Manatiling konektado sa Office of Emergency Services ng iyong county at sundin ang mga direksyon ng iyong lokal na mga First Responder. Kapag pinahintulutan ka ng mga First Responder na umuwi na sa bahay, gawin ang mga hakbang na ito upang manatiling ligtas.

 

Kaligtasan sa kuryente

  • Tingnan kung may sira sa mga kable ng kuryente. Patayin ang kuryente sa pangunahing switch ng kuryente kung may hinala kang may anumang pinsala at kumunsulta sa isang electrician.
  • I-unplag mula sa saksakan o patayin ang lahat ng mga de-kuryenteng kagamitan. Mag-iwan lang naka-on ang isang bombilya upang alertuhan ka kapag bumalik ang kuryente.
  • Kung makakita ka ng mga naputol na linya ng kuryente malapit sa iyong bahay, ituring ang mga ito na parang "buhay" o naka-energize. Ikaw at ang mga iba ay dapat na umiwas sa mga ito. Tumawag sa 9-1-1, at pagkatapos ay ipaalam sa PG&E sa 1-877-660-6789.
  • Gumamit lamang ng mga de-bateryang flashlight para sa ilaw sa panahon ng mga pagkawala ng kuryente.
  • Hindi inirerekomenda ang mga wax na kandila. Ang mga LED na kandila ay isang ligtas na alternatibo.
  • Tiyaking na naka-install nang maayos ng isang lisensyadong electrician ang mga generator. Ang mga generator na naka-install nang hindi maayos ay nagdudulot ng malaking panganib sa aming mga tauhan, at sa iyo at sa iyong pamilya.
  • Kung hihilingin sa iyo na lumikas, patayin ang iyong gas at kuryente upang mapigilan ang anumang karagdagang pinsala.

 

Kaligtasan sa gas

  • Kung pinatay mo o ng ibang tao ang gas sa panahon ng paglikas, HUWAG itong i-on muli. Kontakin ang PG&E o ibang kwalipikadong propesyonal upang magsagawa ng pang-kaligtasan na inspeksyon bago ibalik ang serbisyo ng gas.
  • Kung naamoy mo ang kakaibang "bulok na itlog" na amoy ng natural gas sa loob o paligid ng iyong bahay o negosyo ay agad na tumawag sa 9-1-1 at pagkatapos ay PG&E sa 1-877-660-6789.
 

Pagbabalik ng gas

  • Dapat inspeksyunin ng mga tauhan ng gas ang mga nasirang imprastraktura upang maibalik ang serbisyo. Ang PG&E ay magdadala ng mga karagdagang tauhan upang ibalik ang serbisyo sa gas.
  • Makakatulong kung ang mga kustomer ay naroroon upang pahintulutan ang mga tauhan ng PG&E na i-akses ang kanilang mga ari-arian upang ma-inspeksyunin ang kagamitan at maibalik ang serbisyo.
  • Kung walang pagkontak sa panahon ng aming paunang door to door na pagsisikap upang muling ilawan ang mga pilot light, mag-iiwan kami ng kard sa pagkontak upang matawagan kami ng mga kostumer. Ang mga customer na bumabalik sa kanilang mga tahanan na nais na maibalik ang serbisyo ay dapat tumawag sa 1-877-660-6789.
  • Ang mga empleyado ng PG&E ay palaging dala ang kanilang ID at laging handang ipakita ito sa iyo. Palaging hilingin na makita ang may bisang ID bago pahintulutan ang sinumang nag-aangking kinatawan ng PG&E sa loob ng iyong tahanan. Kung ang isang taong nagsasabing siya ay empleyado ng PG&E ay may pagkakakilanlan at hindi ka pa rin komportable, tumawag sa customer service line ng PG&E sa 1-877-660-6789 para i-verify.

 

Pagpainit ng mga bahay na walang serbisyo sa gas

  • Ilagay ang mga space heater sa mga ibabaw na patag, matigas at hindi nasusunog. Huwag ilagay sa ibabaw ng mga basahan o karpet.
  • Huwag maglagay ng mga bagay sa ibabaw ng mga space heater o gamitin ang mga ito sa pagpapatuyo ng mga damit o sapatos.
  • Patayin ang mga space heater kapag aalis ng kwarto o matutulog.
  • Panatilihin ang lahat ng nasusunog na materyales nang di-bababa sa 3 talampakan ang layo mula sa mga pinagmumulan ng pagpainit.
  • Pangasiwaan ang mga bata kapag ginagamit ang space heater o fireplace.
  • Huwag kailanmang gumamit ng mga kagamitan sa pagluluto tulad ng mga oven o kalan para sa mga layunin ng pagpainit sa bahay.
  • Mag-install ng mga carbon monoxide detector upang balaan ka kung mataas ang antas ng konsentrasyon. Mula noong 2011, ang lahat ng mga tirahan para sa iisang pamilya sa California ay kinakailangang magkaroon ng mga carbon monoxide detector. Tiyaking naka-install ang mga ito malapit sa mga tulugan at palitan ang mga baterya nang hindi bababa sa dalawang beses sa isang taon.
  • Kung gumagamit ka ng isang fireplace, siguraduhing bukas ang flue.
  • Huwag kailanmang gumamit ng mga produkto sa loob ng bahay na naglalabas ng mga mapanganib na antas ng carbon monoxide. Kabilang sa mga naturang produkto ang mga generator, mga barbecue, mga propane heater at uling.

 

 

 

Ginagawang mas ligtas at mas malakas ang sistema ng kuryente para sa aming mga kustomer

Pagpapatibay ng sistema at pagbabaon sa lupa

Pagbabaon sa lupa ng 10,000 milya ng mga linya ng kuryente.

Pamamahala ng halaman

Panatilihing ligtas ang distansya ng mga punoong-kahoy sa mga linya ng kuryente.

Public Safety Power Shutoff (PSPS)

Pagbabawas ng epekto ng PSPS. 

Mga Pakikipag-sosyo

Pakikipag-sosyo sa California Network ng 211 upang magbigay ng tulong para sa mga kostumer na umaasa sa kuryente para sa kalusugan at kaligtasan.

Ihanda ang iyong pamilya para sa mga emergency

Isang magandang simula ang isang linggong halaga ng pagkain at tubig, radyo, flashlight, mga baterya at first aid kit.

 

 

Higit pang impormasyon tungkol sa mga pagkawala ng kuryente at kaligtasan

Kaligtasan

Sa PG&E, wala nang mas mahalaga pa kaysa sa kaligtasan.

Paghahanda at suporta sa pagkawala ng kuryente

Manatiling handa para sa mga pagkawala ng kuryente at humiling ng suporta.

Public Safety Power Shutoff

Alamin kung paano pinipigilan ng mga planadong pagkawala ng kuryente para sa kaligtasan ang mga wildfire at pinapanatili kang ligtas.