Ang pagpapatibay ng sistema ay kung paano namin inilalarawan ang pag-upgrade sa de-kuryenteng kagamitan upang maging mas matibay sa grabeng lagay ng panahon at mabawasan ang panganib sa wildfire.
Batay sa panganib sa wildfire, lokasyon, lupain at iba pang mga salik, maaaring kabilang sa trabahong ito ang isa o higit pa sa sumusunod:
- Pagbabaon ng mga linya ng kuryente sa lupa sa mga lugar na may mataas na panganib sa sunog
- Pagpapalit ng mga walang balot na linya ng kuryente ng mga nakabalot na linya ng kuryente
- Pag-install ng mas matitibay na poste
- Pagi-install ng mas maraming poste upang suportahan ang bigat ng mga nakabalot na linya ng kuryente
- Pagtanggal sa mga linya sa ibabaw kung posible, tulad ng kapag na-install na ang isang remote na grid
Ano ang aasahan
Pinapasalamatan namin ang iyong pakikipagtulungan habang nagtatrabaho kami upang i-upgrade ang aming sistema ng kuryente at nais naming may alam ka sa bawat hakbang ng proseso.
Kung ang isang proyekto ay naplano sa iyong komunidad:
- Ang mga punong-kahoy o mga palumpong ay maaaring putulin o tapyasan upang makumpleto ang trabaho nang ligtas o bigyang lugar ang bagong kasangkapan.
- Ang mga kostumer sa o malapit sa lugar ng trabaho ay tatanggap ng abiso bago ang pagsisimula ng trabaho.
- Ang mga tauhan ng PG&E at ng kontratista ay palaging magdadala ng ID.
- Ang mga sasakyan ng mga tauhan at ang mga malalaking kagamitan sa konstruksyon ay maaaring nasa iyong kapitbahayan. Itatatag ang mga hakbang sa kontrol sa trapiko at pagbawas sa ingay.
- Maaaring kailanganing patayin ang kuryente upang makumpleto ang trabaho nang ligtas. Ang mga kostumer ay tatanggap ng paunang abiso.
- Maaaring makaranas ka ng mga pagsara ng daan, mga pagkaantala ng trapiko o ingay sa konstruksyon. Ang mga crane at/o mga helikopter ay maaaring kakailanganin upang makumpleto ang mga proyekto.
- Dahil nakatuon kami sa pagtanggal ng pangunahing linya ng distribusyon na may mas mataas na panganib, patuloy na makikita ng mga kostumer ang ibang kagamitan sa ibabaw. Kabilang dito ang mga poste, linya ng telekomunikasyon o mga linya ng kuryente na kumokonekta sa indibidwal na mga bahay o mga negosyo.