Mahalaga

Malapit ka na sa iyong bagong pge.com account! Nagdadagdag kami ng mas madaling paraan para i-reset ang password, pinahusay na seguridad, at iba pa. Tiyaking nasa amin ang iyong kasalukuyang numero ng telepono at email address para hindi ka ma-lock out. Huwag ma-lock out!

Mga Sentro na Madudulugan ng Komunidad

Nagbibigay ng suporta sa mga kostumer kapag may Pagpatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko (Public Safety Power Shutoff, PSPS)

Maghanap ng Sentro ng Mapagkukunan ng Komunidad sa iyong county.

Ang Mga Sentro na Madudulugan ng Komunidad (Community Resource Centers, CRC) ay nagbibigay ng ligtas na lugar para maka-access ang mga kostumer ng kuryente, makakuha ng mga update at maghanap ng mga mapagkukunan.

Maghanap ng ligtas na lugar sa mga panahon na walang kuryente
 

Kapag may Pagpatay ng Kuryente para sa Kaligtasan ng Publiko (Public Safety Power Shutoff, PSPS), bubuksan ng PG&E ang Mga Sentro na Madudulugan ng Komunidad (mga CRC) kung saan makaka-access ang mga miyembro ng komunidad ng mahahalagang mapagkukuknan. Patuloy na gumagawa ang PG&E ng mga nakakontratang lokasyon ng CRC, kabilang ang mga panloob at panlabas na lugar, na madaling makapagbubukas kapag kinakailangan. Natukoy ang mga site sa pakikipagtulungan sa mga county, mga pamahalaan ng tribu, at mga iba pang pangunahing stakeholder.


Ang mga CRC ay makapagbibigay ng:

  • Mga charging station para sa mga electronic device at medikal na kagamitan
  • Serbisyo ng Wi-Fi
  • Mga meryenda at nakaboteng tubig
  • Mga kumot at iba pang bagay
  • Mga upuan at mesa
  • Mga comfort room na madaling mapupuntahan ng Americans with Disabilities Act (ADA)
  • Cellular coverage
  • Mga tauhan para sa serbisyo sa kostumer
  • Mga tauhang panseguridad
  • Mga lababo para sa paghuhugas ng kamay

 

Ang mga sentrong panloob ay makapagbibigay ng:

  • Air conditioning at/o heating
  • Mga naka-bag na yelo
  • Mga screen para sa pagkapribado

 

Kapag sarado ang mga CRC, puwede mong gamitin ang mapa ng pagkawala ng kuryente para matukoy ang mga lugar na may kuryente.

 

 

Mga hakbang pangkaligtasan at panseguridad

 

Upang mapanatiling ligtas ang aming mga kostumer at komunidad, patuloy naming ina-update ang aming mga proseso para maipakita ang mga naaangkop na pagsasaalang-alang sa kalusugan kaugnay ng COVID-19 at ang mga patnubay ng pederal, estado, at county. Ginagamit namin ang mga alituntunin ng Center for Disease Control (CDC), na kinabibilangan ng:

 

  • Hinihikayat ang mga pantakip ng mukha at pisikal na pagdistansya ngunit hindi sapilitan
  • Ibinibigay ang mga suplay sa mga bisita para sa “grab and go,” pero puwede silang manatili sa site at i-charge ang kanilang mga device
  • Kapag maraming tao, bibigyan ng prayoridad ang pag-charge ng medikal na device
  • Regular na dinidisimpekta ang mga ibabaw
  • Para sa kalusugan at kaligtasan ng komunidad, hinihiling namin sa mga kostumer na huwag bumisita sa isang sentro kapag nagpapakita sila ng mga sintomas ng sakit

Mga Sentro na Madudulugan ng Komunidad

Panoorin ang aming video upang matuto tungkol sa mga uri ng suporta na iniaalok sa mga CRC.
O, mag-access sa isang audio descriptive na bersyon ng video

Higit pang mga madudulugan kapag nawalan ng kuryente

211

Ang mga emergency at mga pangkaligtasang pagkawala ng kuryente ay maaaring mangyari anumang oras. Alamin kung paano makakatulong ang 211 sa iyong paghahanda, kumuha ng suporta at manatiling ligtas.

Pagpaplano para sa emergency

Manatili kayong ligtas ng iyong pamilya sa pamamagitan ng paghahanda para sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Mga programa ng kabayaran para sa pagkawala ng kuryente

Makatanggap ng kabayaran para sa matagal na mga pagkawala ng kuryente.