Mahalaga

Malapit ka na sa iyong bagong pge.com account! Nagdadagdag kami ng mas madaling paraan para i-reset ang password, pinahusay na seguridad, at iba pa. Tiyaking nasa amin ang iyong kasalukuyang numero ng telepono at email address para hindi ka ma-lock out. Huwag ma-lock out!

California Consumer Privacy Act

Intindihin ang iyong mga karapatan sa pagkapribado bilang consumer

California Consumer Privacy Act (CCPA)

Ang CCPA ay ipinasa ng lehislatura ng California at nagkabisa para sa lahat ng consumer sa California noong Enero 1, 2020. Sa Enero 1, 2023, aamiyendahan ng California Privacy Rights Act (CPRA) ang CCPA upang magbigay ng mga karagdagang karapatan sa mga residente ng California, kabilang ang mga empleyado, kontratista, at mga kontak sa negosyo.  Ang mga karapatang magagamit ng mga residente ng California ay kinabibilangan ng:

 

  • Karapatang alamin ang mga kategorya ng nakolektang personal na impormasyon.
  • Karapatang alamin kung ang kanilang personal na impormasyon ay ipinagbili o isiniwalat at kung kanino.
  • Karapatang alamin ang nakolektang partikular na mga bahagi ng impormasyon.
  • Karapatang hilingin na burahin ng isang negosyo ang personal na impormasyon, nang napapailalim sa ilang mga eksepsiyon.
  • Karapatang i-access ang personal na impormasyon na kinolekta ng negosyo tungkol sa consumer.
  • Karapatang iwasto ang hindi tamang personal na impormasyon tungkol sa isang consumer.
  • Karapatang limitahan ang paggamit at pagsisiwalat ng sensitibong personal na impormasyon sa ilalim ng ilang mga pangyayari.
  • Karapatang mag-opt-out sa pagbabahagi ng personal na impormasyon para sa cross-contextual behavioral advertising.

Nangongolekta, gumagamit, at nagsisiwalat ang PG&E ng personal na impormasyon upang isakatuparan ang mga layunin sa negosyo, tulad ng pagbibigay ng mga serbisyo sa kuryente, at upang makasunod sa mga kinakailangang legal bilang pinangangasiwaang pampublikong utility. 

 

Bisitahin ang aming Patakaran sa Pakapribado sa pge.com/privacy upang malaman ang higit pa tungkol sa personal na impormasyong kinokolekta ng PG&E at kung paano ito ginagamit.

Hindi pa nagbenta ang PG&E ng personal na impormasyon ng mga consumer sa nakaraang 12 buwan para sa anumang halaga ng pera.  Gayunpaman, ang paggamit namin ng ilang cookie ng website ay maituturing na “pagbebenta” ng impormasyon sa ilalim ng batas ng California.   Sa nakaraang labindalawang buwan, maaaring naibahagi namin ang iyong aktibidad sa internet o geolocation sa mga ikatlong partidong may mga cookie sa aming mga website. Ginagamit ang mga cookie na ito para suriin ang paggamit sa aming website, bigyan ka ng naaangkop na advertising at mga produkto ng PG&E, at magbigay ng karagdagang dynamic functionality sa aming mga website.  Maaari kang mag-opt-out sa paggamit sa mga cookie na ito sa pamamagitan ng aming cookie management tool na makikita dito. Kinikilala rin namin ang mga signal ng opt-out preference na nilalaman ng mga HTTP header field.

Cookie management sa pge.com

Paano mag-opt out sa mga pakikipag-ugnayan ng PG&E

Pagsisiwalat ng impormasyon sa mga ikatlong partido

Mga kahilingan sa pag-access at pag-delete

Higit pa tungkol sa pagkapribado

Patakaran sa social media

Basahin ang mga patakaran at alituntunin ng PG&E sa social media.

Patakaran sa mga digital na komunikasyon

Paano namin pinaplanong makipag-ugnayan sa iyo sa pamamagitan ng voice, mga mensaheng text, email at iba pa

Kontakin kami

 Kung mayroon kang mga karagdagang tanong, mag-email sa Privacy Team ng PG&E sa pgeprivacy@pge.com.