Mahalaga

Malapit ka na sa iyong bagong pge.com account! Nagdadagdag kami ng mas madaling paraan para i-reset ang password, pinahusay na seguridad, at iba pa. Tiyaking nasa amin ang iyong kasalukuyang numero ng telepono at email address para hindi ka ma-lock out. Huwag ma-lock out!

Mga serbisyo sa muling pagtatayo

Pagtutulong sa aming mga kostumer na bumalik sa dating kalagayan mula sa mga wildfire

emergency alerto icon  Kung nakakaamoy ka ng natural na gas o hinihinala ang isang emergency, umalis na ngayon sa lugar at tumawag sa 9-1-1. 

icon ng alerto sa emergency  Kung makakita ka ng bumagsak na mga linya ng kuryente, lumayo ka rito. Huwag lumabas sa iyong sasakyan o tahanan. Tumawag sa 9-1-1. At pagkatapos ay tumawag sa PG&E sa 1-800-743-5000.

 

24 na oras na Linya ng Serbisyo sa Kostumer: 1-877-660-6789

24 na oras na Linya para sa Impormasyon sa Pagkawala ng Kuryente: 1-800-PGE-5002 (1-800-743-5002)

Nangangailangan ka ba ng tulong sa muling pagtatayo ng iyong bahay o negosyo pagkatapos ng isang wildfire?

 

Ang aming Building and Renovation Services Department ay direktang nakikipagtulungan sa mga kostumer na apektado ng mga wildfire. Mahalagang kontakin ang PG&E sa lalong madaling panahon kung kailangan mo ng tulong sa pagkumpuni o muling pagtatayo ng iyong bahay o negosyo.

 

Kuryente para sa pansamantalang muling pagtatayo at kasunod na permanenteng kuryente

 

Tawagan ang 1-877-743-7782 o magsumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng "Your Projects" upang maumpisahan ang proseso.

 

Ang pag-aaplay para sa kuryente ay isang maramihang hakbang na proseso na nangangailangan ng panahon. Ang sumusunod na mga dokumento ay nagbubuod ng mga responsibilidad ng kapwa PG&E at ng kostumer.

 

Brochure tungkol sa muling pagbangon mula sa kalamidad (PDF)

Buod ng proseso ng aplikasyon para sa pansamantala at permanenteng kuryente (PDF)

Gabay sa serbisyo (PDF)

Ibalik ang serbisyo sa gas at kuryente pagkatapos ng isang wildfire

 

 

Pagbabalik ng kuryente

Kapag natanggap na ng mga tauhan ng PG&E ang pahintulot mula sa mga first responder na pumasok sa isang lugar, nagsisimula sila sa proseso ng pagtasa, pagkumpuni at pagbabalik.

 

  • Kapag ligtas na, ang unang hakbang ay ang pagtatasa sa pinsala. Karaniwan, nagaganap ito pagkalipas ng 12 hanggang 24 oras.
  • Ang mga manggagawa ng PG&E ay nasa lugar upang gawing ligtas ang lugar upang makatanggap ng serbisyo sa kuryente sa pamamagitan ng pagkumpuni sa mga PG&E na pasilidad (mga poste, mga tore at conductor).
  • Batay sa panahong kinailangan upang gawin ang anumang mga kinailangang pagkumpuni, ang tinatayang oras ng pagbabalik ay itinatakda at sinasabi sa kostumer.
  • Kung ang isang bahay o negosyo ay nagkaroon ng labis na pinsala upang maibalik ang serbisyo nang ligtas, ang mga pagkukumpuni ay kailangang kumpletuhin ng kostumer bago maibalik ang serbisyo.

 

Pagbabalik sa serbisyo sa gas

Kapag natanggap na ng mga tauhan ng PG&E ang pahintulot mula sa mga first responder na pumasok sa isang lugar, nagsisimula sila sa mga pagtasa sa imprastraktura ng gas.

 

  • Maaaring magsimula kaagad ang mga pagtatasa at karaniwang nakukumpleto sa loob ng 24 oras.
  • Kailangang i-purga ang sistema ng tubo upang tanggalin ang anumang hangin bago muling maisuplay ang natural gas sa linya at pagkatapos ay ihatid nang ligtas sa mga bahay o negosyo.
  • Ang proseso ng pagpurga ay nangangailangan ng pagbisita sa lugar ng isang gas technician upang i-akses ang metro ng gas.
  • Pagkatapos, kailangang bumisita ang mga manggagawa ng PG&E ang bawat bahay o negosyo nang ikalawang pagkakataon upang i-on ang metro, magsagawa ng mga pagsusuri sa kaligtasan at muling ilawan ang mga pilot light para sa ligtas na pagpapaandar. Ang mga kostumer para sa bawat lokasyon ay kailangang naroroon para maganap ito.
  • Tinutukoy ng lokal na pagpapatupad ng batas kung kailan maaaring bumalik ang populasyon sa mga lugar.
  • Kung babalik ka sa iyong ari-arian at wala kang serbisyo sa gas, tawagan ang PG&E sa 1-877-660-6789. Magsisikap kami na muling ilawan ang iyong serbisyo sa lalong madaling panahon.

Alamin ang tungkol sa kaligtasan sa gas

 

Humiling ng PG&E ID

Ang aming mga empleyado at mga kontratista ay nagdadala ng PG&E na ID at palaging handang ipakita ito sa iyo.

Hilinging makita ang isang may bisang ID bago pahintulutan ang sinuman na nag-aangking kinatawan ng PG&E na pumasok sa iyong bahay.

Kung ang isang taong nagsasabing empleyado ng PG&E ay may ID at hindi ka pa rin komportable, tawagan ang linya ng serbisyo sa kostumer ng PG&E sa 1-877-660-6789 upang mapatunayan ang presensya ng PG&E sa iyong komunidad.

Karagdagang mapagkukunan sa mga pagkawala ng kuryente at kaligtasan

Community Resource Centers

Nagbibigay ng suporta sa mga kostumer sa panahon ng isang Public Safety Power Shutoff (PSPS).

Pagpaplano para sa emergency

Panatilihing ligtas ang sarili at ang iyong pamilya sa pamamagitan ng paghahanda para sa mga hindi inaasahang kaganapan.